
Ang panganib na dala ng fake Prestone products
Ang paggamit ng fake Prestone products para sa iyong sasakyan ay maaaring mauwi sa costly repair at panganib. Ang engine overhaul ay pwedeng umabot ng malaking gastos. Pero ang mas nakakaalarma, ang fake Prestone products ay pwedeng humantong sa road accident na pwedeng maging sanhi ng pagkawala ng buhay.
Ang fake Prestone products ay mura lang sa umpisa, pero sa katagalan, mahal sumingil. Minsan, buhay pa ang pambayad. Kaya iwasan ang fake Prestone products para iwas-costly repair, iwas-aksidente.

Paano mag-spot ng Fake Product
Ngayong alam mo na ang dalang panganib ng fake products, narito ang mga pinagkaiba ng fake vs. genuine Prestone products.
COOLANT

CAP LOGO

Mas maliit ang embossed Prestone logo
FOIL TEXT

Mas malaki ang ® symbol sa logo
BOTTLE BASE

Baliktad o walang cavity number sa ilalim ng bote
FLUID COMPARISON

May mga nakalutang na solids sa fake coolant

CAP LOGO

Tama ang sukat ng embossed Prestone logo
FOIL TEXT

Actual na sukat ng ® symbol sa logo
BOTTLE BASE

Mayroong cavity number sa ilalim ng bote
FLUID COMPARISON

Malinaw at malinis ang fluid ng genuine coolant
BRAKE FLUID

CAP LOGO

Mas maliit ang embossed Prestone logo
FOIL TEXT

Mas malaki ang ® symbol sa logo
BACK LABEL SPELLING

Walang puwang ang salitang CLUTCHSYSTEM
BATCH CODE

Kitang-kita ang mga dots sa batch code
FLUID COMPARISON

Masyadong dark o minsan ay masyadong light ang kulay.
Mayroon din itong offensive odor.

CAP LOGO

Tama ang sukat ng embossed Prestone logo
FOIL TEXT

Actual na sukat ng ® symbol sa logo
BACK LABEL SPELLING

Hiwalay ang salitang CLUTCH SYSTEM
BATCH CODE

Malinaw at nababasa ang batch code
FLUID COMPARISON

Amber ang kulay at walang offensive odor.
Tandaan: Gumamit lamang ng genuine Prestone products para protektahan ang iyong sarili, sasakyan, at pamilya. #BuySafeDriveSafe, Ka-Prestone!
I-report ang fake products
Ikaw ba’y may pinagsususpetsahan na fake Prestone product, o kaya may kilalang nagbebenta ng fake Prestone products? I-report agad sa mga awtoridad.
Anti-Counterfeit Form
I-report ang suspected fake Prestone product directly sa Prestone Philippines.